INI-RELEASE na ng singer, VJ, actress na si Nikki Bacolod ang kanyang latest single titled Sa Iyo na regular nang naririnig sa local radio stations at fast becoming na most requested song. 

Nikki BacolodAng  Sa Iyo ay  collaboration ni Nikki at ng Malaysian pop and RnB singer na si Min Yasmin. Ito ang first single mula sa album na 2Voices at Tagalog version ng Malaysian song na Hilangkanlah, na theme song ng Malaysian hit teleserye na Derhaka Seorang Madu (TV3).

Si Nikki Bacolod ay dating  2nd runner-up ng search For The Star Million at si Min Yasmin ay singer at actress mula sa Malaysia at kilala ring film, television  at drama soundtrack singer. 

Ang Sa Iyo ay  likha ni  Julfekar, HA & Roosevelt T.Itum at produced  ni Julfekar, isang sikat na composer at producer sa Malaysia at managing director ng MillenniumArt Sdn. Bhd. and JULFEKAR Music sa  Malaysia. 

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Ang album na 2Voices ay ini-record sa Kuala Lumpur at Manila at naglalaman ng ibat’ ibang musical genres at recorded sa 3 language (Tagalog, English at Malay). Kasama sa album ang 10 songs na kinabibilangan ng Sa  Iyo, Ang Tanging Dasal, Hindi Ka Na Luluha Pa, Laging Nagmamahal Sa Iyo, Sayang Naman,  Ako’y Babangon Pang Muli,  Tuwing Ika’y Kapiling Ko, Di Na Ako Luluha Pa, at Yakap. Mabibili na ang album simula sa Marso sa lahat ng recording stores at distributed ng  MillenniumArt Sdn. Bhd. At JULFEKAR Music o visit julfekar@ yahoo.com.