SANTA IGNACIA, Tarlac - Naging madugo ang komprontasyon ng isang mag-live in partner sa Barangay Botbotones, Santa Ignacia, Tarlac at ang pag-aagawan sa nag-iisa nilang anak ay nauwi sa paglaslas ng lait o lingkaw ng babae sa kinakasama niyang magsasaka.

Kinilala ni PO3 Albert Guerrero, may hawak ng kaso, ang biktimang si Jerry Morido, 51, magsasaka, na halos malaslas ang dibdib sa isinaksak na lait ng nagwawalang si Rosalie Devarra, nasa hustong gulang, tubong Concepcion, Tarlac at residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 4:00 ng hapon makaraang mag-away sa bukid ang dalawa hanggang tinangka ni Devarra na kunin ang anak kay Morido, na tumangging ibigay ang bata.

Pinaniniwalaan ng awtoridad na may diperensiya sa isip ang suspek, na nakadetine na sa himpilan ng Santa Ignacia Police.
National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado