PORTLAND, Ore. (AP) – Umiskor si Damian Lillard ng 25 puntos at ang Portland Trail Blazers, mas pinalakas sa pagbabalik ng center na si Brook Lopez, ay nagawang pigilan ang Utah Jazz, 103-102, kahapon.

Nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 22 puntos at 11 rebounds sa pagputol ng Portland sa kanilang three-game losing streak.

Matapos makipagbuno sa abante upang buksan ang ikaapat na yugto, naipasok ni Wesley Matthews ang dalawang sunod na 3-pointers at umangat ang Blazers sa 98-89, may 3:26 nalalabi.

Ang 3 ni Gordon Hayward ang nagpalapit sa Jazz sa 99-96, ngunit sinagot ito ni Lillard ng kanyang driving layup. Isa pang 3 ang ipinukol ni Joe Ingles para sa Jazz upang dumikit sa 101-99 sa huling 9.9 segundo.

National

Gabriela Rep. Arlene Brosas, tatakbong senador sa 2025

Dalawang free throw ang naipasok ni Aldridge bago naipasok ni Trey Burke ang isang 3-pointer sa natitirang 0.9 segundo. Nagmintis si Lillard sa kanyang unang free throw sa kabilang dulo, at sinadyang isala ang pangalawa hanggang maubusan ng oras ang Utah.

Nagtapos si Hayward na may 27 puntos para sa Jazz.

Resulta ng ibang laro:

Detroit 108, Miami 91

Philadelphia 105, Denver 98

Boston 108, New York 97

Golden State 121, Sacramento 96