Pebrero 5, 1999 nang bitayin ang house painter na si Leo Echegaray, 38, matapos niyang halayin ang kanyang 10 taong gulang na stepdaughter na si Rodessa ‘Baby’ Echegaray, siya ay pinatay sa pamamagitan ng lethal injection. Ito ang unang pagpatay sa bansa sa loob ng 23 taon.

Ayon sa mga saksi, ang huling mga salita ni Echegaray ay “Sambayanang Pilipino, patawarin ako sa kasalanang ipinaratang ninyo sa akin. Pilipino, pinatay ng kapwa Pilipino.”

Si Echegaray ay napag-alamang guilty ng Quezon City Regional Trial Court Branch 104 sa panghahalay noong Setyembre 7, 1994. Kinumpirma ng Korte Suprema na siya ay bitayin noong Hunyo 25, 1996.

Naganap ang pagbitay sa kasagsagan ng termino ni noon ay presidente na si Joseph Estrada, kung saan ang implementasyon ng death penalty ay mainit na pinag-uuspan. Ayon kay Estrada, ang pagpatay kay Echegaray ay magsilbing babala sa iba at siya ay naniniwalang capital punishment “deters heinous crimes.”

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Taong 1987 nang alisin ang capital punishment sa bansa ngunit muling ibinalik noong Enero 1994 sa pamamagitan ng Republic Act 7659 at tinanggal muli noong Hunyo 24, 2006.