LIBU-LIBONG Cebuano, Ilonggo at Batangueño fans ang nakisaya kina Kim Chiu, Maja Salvador, Richard “Sir Chief” Yap at iba pang Kapamilya stars sa back-to-back-to-back Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional na ginanap sa pagdiriwang ng tatlo sa pinakamalalaki at pinakamakukulay na taunang pagdiriwang sa bansa, ang Sinulog Festival sa Cebu, Dinagyang Festival sa Iloilo, at Lipa City Festival sa Batangas.

Nagsanib-puwersa sina Kim, Maja, Enchong Dee, at Zanjoe Marudo upang magbigay-kasiyahan sa halos 7,000 kataong nagtipon sa The Terraces sa Ayala Center Cebu. Nakiisa rin ang ABS-CBN Regional sa Sinulog 2015 Grand Parade kung saan itinampok sa makulay na Kapamilya float sina Kim, Maja, at Enchong.

Samantala, dumayo rin ang mga Kapamilya star sa Iloilo at Batangas upang pasalamatan ang mga Ilonggo at Batangueño sa walang sawang suporta sa ABS-CBN na nanatiling number one TV network sa buong bansa.

Halos 5,000 Ilonggo fans ang naki-party kina Maja at Sam Milby sa Kapamilya Karavan na ginanap sa Robinsons Iloilo, samantalang lampas 4,000 Batangueño ang pinasaya nina Sir Chief, Angeline Quinto, at Joseph Marco sa pagdiriwang ng Lipa City Festival. 

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Matapos ang Sinulog, Dinagyang at Lipa City Festivals, nakatakdang maki-fiesta ang Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional sa Baguio City para sa Panagbenga Festival sa Marso 7 at Davao para sa Araw ng Dabaw sa Marso 15. 

Ang ABS-CBN Regional (unang nakilala bilang ABS-CBN Regional Network Group) ay ang nationwide TV at radio network ng ABS-CBN Corporation.