Nasaan ang 315 na PNP-SAF habang nakikipagputukan ang 77 pulis?

Hanggang ngayon palaisipan pa rin para kay Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina kung saan nagsuot ang 315 tauhan ang Philippine National Police-Special Action Force (SAF) sa kainitan ng bakbakan ang 77 nilang kasamahan sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Sinabi ni Espina, nakasaad sa initial ng SAF, aabot 392 commando ang kasama sa operasyon para arestuhin ang international terrorist Zulkifli bin Hir, alyas “Marwan,” at Basit Usman.

Tinatanong ni Espina kung bakit hindi rumesponde ang ibang SAF member habang nakikipagbarilan sa MILF at BIFF na ikinamatay ng 44 na commando at pagkasugat ng 11 iba pa.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi pa sa report na may kabuuang 41 tauhan ang assault team at 36 commando ang tinalaga bilang blocking force.

“Why were the commandos in the assault team and blocking force wiped out and why did the teams on standby not respond to augment the forces?” pagtatanong sa sarili ng PNP OIC.

Sabi pa sa report na nakatalaga na commandos mula sa 45th SAC na inatasan bilang reinforcement para sa mga kasamahan.

Lumalabas sa report na ang 44 na pulis ay namatay sa operasyon matapos ang barilan ng mahigit sampung oras sa mga rebeldeng MILF at BIFF sa Barangay Tukanalipao, Maguindanao.

Ito ang inaalam sa isinasagawang imbestigasyon ng binuong Board of Inquiry ng PNP.

Samantala, lumakas ang panawagan na natuluyan ng sibakin ang suspendidong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Alan Purisima at magtalaga ng bagong hepe na direktang manununo sa pambasang pulisya.

Ang panawagan ng pagtatalaga ng bagong PNP chief kay Pangulong Benigno S. Aquino III ay kinuha ang opinion ng mamamayan.

Sa programang “Punto por Punto” ng Umaga Kay Ganda ni Anthony Taberna, kinuha ang opinyon ng sambayanan kung saan lumabas na 98 porsiyento ang sang-ayon na sibakin na ni Pangulong Aquino si Purisima at magtalaga na ng bagong PNP habang dalawang porsiyento lamang nagsasanabing manatili sa posisyon ang suspendidong hepe ng pambansang pulisya.