Iginiit ni Department of Labor (DoLE) Secretary Rosalinda Baldoz na ang sitwasyon ng paggawa sa bansa batay sa mga isinagawang survey ay nagpapakita lamang na isang hamon sa ahensiya upang mapahusay at maipatupad ang mga programa na tutugon sa mga pangangailangan ng manggagawang Pinoy.

Ayon kay Baldoz, hindi sila dismayado sa resulta ng SWS’ 2014 Fourth Quarter Survey sa Adult Joblessness.

“However, we would like to emphasize that the concept of joblessness and unemployment—which even the SWS is very careful to distinguish—are entirely two different matters,” dagdag ng kalihim.

Ipinaliwanag niya na ang “job” o trabaho ay tumutukoy sa uri ng trabaho na ginagawa ng isang tao, habang “employed” ay tumutukoy sa isang taong may trabaho.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“An employed person can have more than one job, e.g., a teacher who teaches in a private school, but is also a part-time tutor, and he or she is counted as one person employed in the official Labor Force Survey (LFS). The SWS survey joblessness; the Labor Force Survey counts the employed,” pahayag ni Baldoz.

Sinabi ng kalihim, ang kahulugan ng “joblessness” o walang trabaho sa LFS ay sumasaklaw sa mga tao na tumutugon sa tatlong pamantayan: (1) walang trabaho; (2) naghahanap ng trabaho; at (3) magagamit para sa trabaho.

“One who does not meet any one of these three criteria at the time of the survey is considered not “economically active” or not in the labor force. The labor force is the working age population 15 years and above,” paliwanag ng opisyal.

Aniya, ang reference period ng LFS para sa resulta ng SWS na mas mataas na ‘joblessness’ ay dahil sa mas mahabang panahon na sanggunian, maaaring mas mababa ang bilang ng mga walang trabaho. Ang LFS reference period para sa mga walang trabaho at naghahanap ng trabaho ay pitong araw (sa nakaraang linggo), habang ang reference period para sa mga tinanong kung ang mga ito ay magagamit para sa trabaho sa nakaraang linggo o sa loob ng dalawang linggo kasunod ng petsa ng mga panayam.

Ang isa pang pagkakaiba na isinasaalang-alang para sa incomparability ng mga survey ng LFS at SWS ay ang sample size ng mga survey. Ang LFS survey ng 51,000 kabahayan.

Sa “isang oras” na pamantayan ng pagtukoy sa trabaho, sinabi Baldoz na ito ay isang pang-internasyonal na pamantayan na sinusunod sa Pilipinas.

“The term ‘employment’ is linked to the total concept of production defined by the UN System of National Accounts (SNA), which says any activity falling within the SNA, however small, is considered as work for the purpose of measuring employment. All work, even for only one hour a week, contributes to the total national output, and should, therefore, be counted,” paliwanag pa ni Baldoz.