Maglalabas ng audit report ang Commission on Audit (CoA) sa mga financial transaction ng tatlo pang ahensiya ng pamahalaan.

Ito ang naging pahayag ni Grace Pulido-Tan matapos itong magretiro kamakalawa bilang chairperson ng CoA.

Tinukoy nito na kabilang sa tatlong ahensya ang National Food Authority (NFA), Local Water Utilities Administration (LWUA), at Department of Agrarian Reform (DAR).

Gayunman, hindi na nagbigay pa ng anumang detalye si Pulido-Tan sa ilalabas na audit report ng CoA.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ipinaliwanag din nito na marami pa siyang naiwanang audit report sa ahensya kung saan kasama na rito ang COA special report sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF), at Malampaya Fund para sa 2010 hanggang 2013.

Si Pulido-Tan ay itinalaga ni Pangulong Aquino sa puwesto noong Abril 2011 kapalit ng nagbitiw sa posisyong si Reynaldo Villar noong Pebrero 2011 dahil na rin sa kontrobersyal na pag-aapoint sa kanya ni Pangulong Gloria Arroyo noong 2008.

Plano ngayon ni Pulido-Tan na gugulin muna ang panahon sa kanyang pamilya habang hinihintay kung magpapatuloy pa siya sa serbisyo publiko sa ibang tanggapan.