CABANATUAN CITY - Matagumpay na naisagawa ng mga awtoridad ang pinaigting na manhunt operations hinggil sa dalawang tao na umano’y nagbebenta ng ilegal na droga at matagal nang tinutugaygayan ng awtoridad makaraang masakote sa iisang lugar sa lungsod na ito noong Martes.

Unang nasakote ng pulisya ang umano’y kilabot na drug pusher na si Rolando Javier Jr. y Santos, 42, may asawa, ng 371 Leonor Village, Barangay Aduas Sur, Cabanatuan City sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

Arestado rin si Elisa Taboradas y Domingo, 30, may asawa, ng Leonor Village, Bgy. Aduas Sur, sa bisa ng warrant of arrest sa kaparehong kaso.
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25