Tigers Woods

Si Tiger Woods ay huling naitalang No. 1 sa Official World Golf Ranking noong Mayo 17, 2014.

Mula noon ay limang torneo lamang ang sinabakan ni Woods at hindi nakasama sa cut sa dalawa, tumabla sa ikahuling puwesto sa isang no-cut event at pumalo ng career-worst na 82 sa Round 2 ng Phoenix Open noong nakaraang linggo.

At dito na sumadsad si Woods sa world golf ranking.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Si Woods ngayon ay nasa No. 56 na sa talaan ng pinakahuling ranking, ang kanyang pinakamababang ranking mula nang mapunta sa ika-52 noong Nobyembre 27, 2011. Ang 14-time major winner ay ika-58 bago napanalunan ang kanyang unang PGA Tour event sa Las Vegas noong Oktubre 1996.

Ang ranking ay common sense, ngunit seryoso ang implikasyon nito para sa susunod na iskedyul ni Woods.

Kailangang makapasok si Woods sa top 50 sa OWGR, kung hindi, siya ay ineligible para sa WGC-Cadillac Championship sa Doral sa Marso.

Maaaring makakalap si Woods ng puntos sa kanyang nalalapit na pagsabak sa Farmers Insurance Open o sa Honda Classic upang makuwalipika.

Gayunman, kung hindi niya ito magagawa, ito ay magmamarka sa ikalawang pagkakataon sa kanyang career na hindi eligible si Woods para sa isang World Golf Championships event (2011 WGC-HSBC Champions).

Para sa isang manlalarong desperado para sa tournament starts, upang malampasan ang isang mental block, ang hindi paglalaro sa Doral ay hindi lamang isang inconvenience kundi isa ring embarrassment.

Hindi pa inilalahad ni Woods kung sakaling hindi siya makapaglalaro sa Doral o may isa pa siyang lalahukan upang makuwalipika sa Masters.