ROSWELL, Georgia (AP) — Parehong-pareho ang mga pinagdaanan ni Whitney Houston at ng kanyang anak na si Bobbi Kristina Brown. Sila ay natagpuan na walang malay sa bathtub habang abala ang industriya sa Grammy Awards.

Parehon nakilala sa entertainment industry, parehong nalulong sa droga, at parehong nagasawa na hindi pinaboran ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

Habang nasa ospital ang 21 taong gulang na anak ng singer noong Lunes, base sa ulat ng mga pulis, tinawagan sila noong Sabado sa tahanan nito sa suburban Atlanta bilang pagtugon sa “a drowning,” at siniguro ang pangyayari sa mga imbestigador.

“Bobbi Kristina is fighting for her life and is surrounded by immediate family,’’ pahayag ng pamilya Houston noong Lunes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We are asking you to honor our request for privacy during this difficult time. Thank you for your prayers, well wishes, and we greatly appreciate your continued support.’’

Dahil sa walang ibinigay na eksaktong detalye ang mga pulis at pamilya tungkol sa kanyang kalagayan at pinagmulan ng trahedya, tiningnan ng mga tao ang kanyang mga pahayag sa social media. Base sa kanyang tweet noong Huwebes, mahahalatang malungkot siya dahil sa pagkabigong maging entertainer: “Let’s start this career up&&moving OUT to TO YOU ALLLL quick shall we !?!???!’’ Pagkaraan ng dalawang araw, natagpuan siyang walang malay, na katulad ng ikinamatay ng kanyang ina.

Pebrero 11, 2012, bago ginanap ang Grammys, natagpuan ng kanyang assistant ang katawan ni Whitney na walang buhay sa tub sa Beverly Hills Hotel. Natagpuan ng awtoridad ang dose-dosenang bote ng drugs, ngunit sinabing aksidente itong nalunod.

Ang anak niyang si Bobbi na 18 taong gulang pa lamang nang panahong iyon, nasa labas ng silid ni Whitney, ay labis na nag-alala kung saang ospital siya dadalhin.

“She wasn’t only a mother, she was a best friend,’’ pahayag niya kay Oprah Winfrey nang pumanaw ang kanyang ina.

Pero si Whitney ay mahirapan tularan ng kanyang anak, na tinatawag ang sarili sa Twitter bilang “Daughter of Queen WH,’’ “Entertainer/Actress’’ with William Morris & Co., at “LAST of a dying breed.’’

Matatandaan na sa edad na 22, natamo ni Whitney ang kanyang No.1 hit. Ang kanyang boses, sigla at kagandahan, ang nagpasikat ng mga awiting tulad ng Saving All My Love For You, I Will Always Love You, The Greatest Love of All at I’m Every Woman.

Namana ni Bobbi ang lahat ng mga ari-arian ng kanyang ina ngunit hindi ang galing sa pagkanta. Bukod sa crew ng reality TV show ng kanyang pamilya na The Houstons: On Our Own, madalas siyang nakikita sa online selfies at sa mga larawan na kuha ng paparazzi.

Sinabi niya kay Oprah na nais niyang kumanta, umarte at sumayaw katulad ng kanyang ina at ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya.

Ngunit pagkaraan ng ilang taon simula nang pumanaw ang kanyang ina, lalo siyang naging matunog dahil sa pagkalulong sa droga, pagbaba ng timbang at away pamilya. “Damn, lol, it’s incredible how the world will judge you 4ANY&EVERYthing,’’ pahayag niya sa kanyang Twitter account noong Marso 2014.

Bunga si Bobbi ng pagmamahalan ng dalawang sikat na tao.

Nakilala ni Whitney ang R&B star na si Bobby Brown sa Soul Train Music Awards noong 1989. Sila ay nagpakasal noong 1992. Pagkaraan ng isang taon, ipinanganak ni Whitney si Bobbi at itinigil niya ang paggamit ng droga.

Noong bata pa si Bobbi, sinabi ni Whitney sa S2S magazine na siya ay ``functioning junkie.’’ Ang kanyang asawa ay nalulong din sa droga noong 2002 at dinala sa Atlanta area para gamutin hanggang sa maging evangelical preacher