Vice Ganda

NALULUNGKOT nang husto si Vice Ganda para sa close friend niyang si Kris Aquino na naapektuhan sa mga kritisismo sa kapatid niyang si Presidente Noynoy Aquino. 

Ipinagdiinan ni Vice na kahit anong mangyari ay nakasuporta siya kay Kris. Nag-usap sila at damang-dama raw niya ang mabigat na kalooban ng Queen of All media. 

Kaya patuloy niyang ipinagdarasal ang kaibigan, na sana ay maging okay ang kalagayan. Pati na rin ang pamilya ni Kris at siyempre kasama na rin ang kapayapaan ng buong Pilipinas. 

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Para naman sa kanyang sarili, boykot ang byuti ni Vice sa Araw ng mga Puso.

Binanggit kasi ng Unkabogable Star na hindi raw siya magdiriwang ng Valentine’s Day kahit na sabihin pang meron siyang special someone.

“Paano kami magba-Valentine’s date hindi nga kami lumalabas? Last year sa bahay lang. Ngayon, hindi pa namin alam,” banggit pa ng Phenomenal Box Office Star. 

Ipinagmalaki ni Vice na isa siyang romantikong tao pero ang higit na importante ngayon ay masaya siya at inspirado hindi lang sa trabaho kundi pati na rin sa personal niyang buhay.

  “Lahat naman tayo, dapat lagi tayong inspired. Hindi naman kinakailangang dyowa mo ang isang tao. P’wede namang nai-inspire ka niya everyday, hindi kinakailangan na mayroon kayong relasyon,” napatawa pang banggit ni Vice. 

Sa It’s Showtime ay ipinagsigawan ni Vice na masaya siya sa kasama niyang inspirasyon ngayon. 

Nasa cloud nine rin siya dahil katatapos lang niyang pumirma ng multi-picture contract with Star Cinema last Monday. Kaya nga raw grateful siya dahil sa sunud-sunod ang blessings na ibinibigay sa kanya.

“’Yung Diyos sobrang misteryoso gumalaw. ‘Yung Praybeyt Benjamin laking-laki na (ng kinita sa box office), ang first film aabot ng 300 million, ‘tapos, sumunod ‘yung Sisterakas nag-400 pa, ‘tapos yung Girl, Boy, Bakla Tomboy, 400 plus. Parang every year, na lang tinatanong nila sa akin paano mo tatapatan ‘yun? Paano mo hihigitan ‘yun?” masayang sabi ni Vice.

Kumita naman ng P435 million ang part two ng Praybeyt Benjamin na ipinalabas sa 2014 Metro Manila Film Festival.