Matapos mahalal si Pangulong Aquino noong 2010, ang una niyang atas – ang Executive order No. 1 – noong Hulyo 30, 2010, isang buwan pa lamang pagkapanumpa niya sa tungkulin, ay para sa paglikha ng isang truth Commission na mag-iimbestiga ng katiwalian sa administrasyon ng kanyang sinundan, si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA).
“There is need for a separate body dedicated solely to investigating and finding out the truth concerning the reported cases of graft and corruption during the previous administration,” saad ng order. ang panukalang komisyon ay binigyan ng kapangyarihan na mangalap ng impormasyon mula sa kahit na anong ahensiya ng executive branch, mula sa senado at Kamara, mula sa mga hukuman o sa kahit na sinong testigo “to ensure that the ends of justice will be fully served.”
Sa kamalasan ng administrasyon, ang supreme Court, sa isang desisyon noong Disyembre 7, 2010, ay nagdeklara na unconstitutional ang executive order, sinabi na “it violates the equal protection clause of the Constitution,” sapagkat inaasinta nito ang ilang indibiduwal upang usigin, at “excluded those of other administrations, past and present, who may be indictable.”
Kung hindi ito naging limitado sa GMa administration, kung naging bukas ito sa paghahabla ng katiwalian saanman at kailanman ito matuklasan, isang napakagandang ideya ang magkaroon ng isang truth Commission. Maaari pa nga itong umalam sa ugat ng problema. Kung si dating Chief Justice Hilario Davide Jr. ang pinuno nito, matatamasa ng komisyon ang kumpiyansa ng publiko – na hindi naman mangyayari kung ang pagsisiyasat ay hahawakan ng isang opisyal o kaalyado ng administrasyon.
Sa ngayon, may usap-usapan tungkol sa pangangangailangan para sa isang truth Commission na mag-iimbestiga sa 44 miyembro ng special action Force ng Philippine National police na pinaslang umano ng mga puwersa ng Moro Islamic Liberation Force (MILF) o ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at kahit na ilang miyembro ng private armies. Ngunit isang Board of Inquiry ang itinayo ng pNp at tiniyak ng isang tagapagsalita ng Malacañang na hindi magkakaroon whitewash sa imbestigasyon ng board.
Ang Board of Inquiry, na binubuo ng mga heneral ang walang dudang aalam sa kaguluhang ito sa operasyon at ang findings nito ay maaaring hindi tanggapin ng publiko sa parehong antas ng mula sa isang truth Commission na binubuo ng justices ng Supreme Court. Matindi nga ang kapighatian at sisihan sa pagkamatay ng mga tauhan ng saF, mga kabataang pulis, na tumatalima sa utos ng kanilang mga superyor. Mas mainam kung paiigtingin ng gobyerno ang paghahanap ng katotohanan – na handa silang isantabi ang karaniwang proseso ng pagsisiyasat at tupdin ang isang no-holds barred na imbestigasyon sa pamamagitan ng truth Commission.