Nakaantabay sa three-stage Visayas Qualifying Leg ng Ronda Pilipinas 2015, na iprinisinta LBC, sa Pebrero 11-13 sa Negros island ang kabuuang 50 slots sa elite riders at karagdagang apat para sa promising junior cyclists.

“The Visayas qualifying round will now take in the top 50 elite and top four junior riders after three days of racing in Negros,” saad ni Ronda administration director Jack Yabut.

Iginiit pa ni Yabut na ang Luzon Qualifying Leg, nakatakda sa Pebrero 16-17 sa Tarlac at Antipolo City, ayon sa pagkakasunod, ay may nakalaan naman na kabuuang 34 slots, 30 sa elite at apat sa junior riders.

Ang 88 Visayas at Luzon qualifiers ay mapapasama naman sa nakaraang taong winner na si Reimon Lapaza ng Butuan, ang nine-man national team na pamumunuan ni Mark Galedo at ang composite European team sa Championship round na papadyak sa Pebrero 22-27 sa Greenfield City sa Sta. Rosa at magtatapos sa mountaintop ng Baguio.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, iginiit ni Ronda Pilipinas Executive Project Director Moe Chulani na ang Ronda na isasakay ng libre ang lahat ng Mindanao riders na mula sa Dipolog City sa Dumaguete City sa Pebrero 10.

“We will ferry aspiring Mindanao riders with their bikes from Dipolog to Dumaguete for free,” saad ni Chulani. “There will be a 4 a.m., 5 a.m. and sometimes 10 a.m. trip and a Ronda Pilipinas and LBC representative will be there to assist you.”

Sa kanilang pagdating, sinabi ni Chulani na dapat dumeretso ang riders sa Bethel Guesthouse Hotel sa kahabaan ng baywalk sa Rizal Avenue, malapit lamang sa Dumaguete port, kung saan ay magpaparehistro sila at magbabayad. Kasama sa payment ang accomodation ng isang gabi at meals sa kada stage, kasama pa ang race kits.

Ang Visayas’ Stage One ay magsisimula sa Negros Oriental Prov’l Capitol na magtatapos sa Sipalay City Plaza (172.7 kilometers sa elite at 120.2 kms sa juniors); ang Stage Two ay hahataw sa Bacolod City Plaza at magtatapos sa Bacolod Government Center via Don Salvador Benedicto at San Carlos (158 kms sa elite at 110.5 kms sa juniors) sa Pebrero 12 ; ang Stage Three ay bubuksan sa Negros Occidental Provincial Capitol na magtatapos sa Cadiz City (123 kms sa elite at juniors).

Sa kabilang dako, inihayag ng Ronda kahapon na ang #Tech1 Corp. ay magkakaloob sa karera ng ICOM at VERSA base at handheld radios para sa ikalimang sunod na edisyon nang sina Chulani at #Tech1 Corp vice president for channel sales Roland Cunana ay lumagda sa agreement.

Ang karera ay inisponsoran ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Maynilad, NLEX, Standard Insurance, Petron, Greenfield City at Radio1 Solutions at may basbas ng PhilCycling sa pamumuno ni Cavite Congressman Abraham “Bambol” Tolentino.

Ang mga interesadong partido ay maaring kumuha ng kanilang registration form online sa Ronda Pilipinas’ official Facebook page, https://www.facebook.com/

RondaPilipinas, at Twitter account, @rondapilipinas, o ang aspirants ay pwedeng magparehistro sa araw ng karera o 2 oras bago ang Qualifying Race Day sa halagang P1,000 kada entry sa bawat Stage.