Unconstitutional ang ilang bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ito ay matapos ipagtibay ng Supreme Court (SC) ang naunang desisyon na inilabas ng en banc.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, sa botong 13-0, pinagtibay ng SC na unconstitutional ang ilang bahagi ng DAP.
Hindi sumama sa botohan sina Associate Justice Teresita De Carpio at Francis Jardeleza.
Subalit pinagbigyan pa rin ng SC ang motion for reconsideration ng Solicitor General.
Binago ng SC ang ilang bahagi ng unang desisyon na inilabas nito noong Hulyo 2014.
Sa bagong desisyon ng SC, idineklara na constitutional ang ginamit na pera para sa mga proyekto na pinaglaanan ng DAP bagamat hindi saklaw ng General Appropriations Act (GAA).
Paliwanag ni Te, kinikilala ng SC ang magiging epekto nito sa mga proyekto bago inilabas ang desisyon na ito ay unconstitutional.
Kasabay nito, pinapurihan ng militanteng grupo na Bayan ang desisyon ng SC sa kontrobersiyal na DAP.
“The latest SC decision should now pave the way for holding President Aquino and DBM Secretary Butch Abad accountable for large-scale corruption, bribery and malversation of public funds.
They are the principal authors of DAP who should be investigated and made accountable. Abad concocted the DAP while Aquino signed all the DAP memoranda that pooled the savings from various implementing agencies,” pahayag ni Bayan Secretary General Renato Reyes Jr.