STA. ROSA CITY, Laguna – Isang lalaking may diperensiya sa pag-iisip ang napatay ng rumespondeng pulis matapos siyang magwala at pumatay ng isang pulis sa labas ng entrance ng isang shopping mall sa Barangay Balibago, sa lungsod na ito dakong 1:00 ng hapon kahapon.

Sinabi ni Supt. Peregentino Malabed, hepe ng Sta. Rosa City Police, na agad na namatay sa mga tama ng bala si PO1 Ariel Abordo, nakatalaga bilang motorcycle cop ng Sta. Rosa City Police.

Ayon kay Malabed, isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip ang tumangay sa service firearm ng isa sa mga security guard ng SM City Sta. Rosa sa entrance ng mall dakong 1:00 ng hapon kahapon.

Nasa mall si Abordo nang mangyari ang insidente at agad siyang rumesponde pero pinagbabaril siya ng suspek.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Agad namang sumugod si PO3 Igreso Reynante, na malapit din sa lugar ng insidente, ay binaril ang suspek.