SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Dahil sa pinaigting na kampanya ng awtoridad laban sa mga illegal na gawain, hindi nakalusot sa checkpoint ng pulisya at ngayon ay nakakulong ang isang pulis-Quezon City at kapatid nito, kasama ang dalawa pang iba pa, makaraan silang mahuli sa pagbibiyahe ng illegal na troso na nagkakahalaga ng P240,000 sa Barangay Kita-Kia sa lungsod na ito.

Batay sa ulat na nakalap ng Balita mula sa tanggapan ni Supt. Ricardo Villanueva, commanding officer ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nakilala ang mga naaresto na sina PO2 Gregorio Hernandez Bangsil III, 31, nakatalaga sa QCPD Station 12; Ryan Hernandez Bangsil, 22, kapwa taga-Bgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City; Reynaldo Sebastian Gabatin, 40, ng Aparri, Cagayan; at Edward Pascua Sebastian, 41, ng Sta. Teresita, Cagayan.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente