Maraming manggagawa ang umaalis sa trabaho sa maraming dahilan - may tuluyang nagbibitiw dahil may nakita silang mas magandang trabaho at mas malaki ang sahod, ang iba naman ay nale-layoff dahil tapos na ang kanilang kontrata, at ang iba ay tuwirang tinatanggal sa puwesto bunga ng mas matitinding dahilan.

Ngunit mahirap din para sa mga kumpanya ang pagpapaalis ng mga manggagawa. Nangangahulugan ito ng pagbabayad ng mga benepisyo lalo na kung ang aalis na empleyado ay malaki na ang suweldo at ang gagastusin para sa paghahanap ng kuwalipikado (as in may sapat na kaalaman sa tutuparing tungkulin at tiyak na makaaambag ito sa pagsulong ng kumpanya).

Naroon din ang iba pang gastusin dulot ng pagtataas ng presyo ng materyales para sa negosyo, singil sa kuryente, krudo, at iba pang utilities.

Dahil sa malalaking gastusin ng kumpanya, matindi ang gagawing konsiderasyon ng management bago nila paalisin ang isang manggagawa. At karamihan sa mga terminasyon ay bunga ng matinding kadahilanan.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Narito ang pangunahing mga dahilan kung bakit nasisibak sa trabaho ang isang manggagawa: Paninira ng kasangkapan ng kumpanya, pagdadala ng alak at ipinagbabawal na gamot sa trabaho, pagtitinda ng produkto sa mga kaopisina, pamemeke ng dokumento o record ng kumpanya, hindi pagsunod sa utos ng superyor, kawalan ng galang sa mga opisyal, katamaran o mahinang performance, pagnanakaw, paggamit ng ari-arian ng kumpanya para sa personal na layunin, sobrang pagbabakasyon, at paglabag sa mga polisiya ng kumpanya.

Kung tutuusin, mas mainam pa para sa kumpanya na magtanggal na lamang ng manggagawa upang makatipid. Ngunit hindi naman tamang pamamaraan na basta ka na lamang tatanggalin dahil gusto lang kumpanya.

Sundan bukas.