Kris Aquino

TOTOO nga, sa panahon talaga ng kagipitan nagkakasubukan ang magkakaibigan.

Nakikilala na ni Kris Aquino ang mga tunay niyang kaibigan ngayong bugbog-sarado sa public opinion ang kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

At mukhang tanging si Vice Ganda lang among her showbiz friends ang nagtatanggol kay Kris laban sa bashers niya dahil sa pagtatanggol kay PNoy na nakatikim ng mga batikos mula sa netizens dahil sa hindi nito pagsalubong sa mga labi ng 44 na PNP-SAF commandos na nagbuwis ng buhay laban sa mga rebelde sa Mamasapano, Maguindanao.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Sa panayam kay Vice ng TV reporters, aminado siyang nalulungkot siya sa pangba-bash ngayon sa kaibigan niya at ramdam niya ang pinagdadaanan nito ngayon.

“Nag-uusap kami,” sabi ng Unkabogable Star. “Siyempre magkaibigan kami, mabigat sa akin na mabigat ang kalooban niya. Kahit hindi pareho ang takbo ng isip namin, hindi kami pareho ng opinyon, Kasi marami kaming pagkakaiba ng opinyon, pero iginagalang namin ang isa’t isa. 

“Kahit hindi kami pareho ng opinyong tinatahak ngayon sinusuportahan ko siya kasi walang kaibigang gustong nasasaktan ang kaibigan.

“Kaya ngayon ipinagdarasal ko na maging okay siya, maging okay ang pamilya niya at maging okay ang buong Pilipinas.”

Hindi na masyadong nag-elaborate pa si Vice basta’t nagkakaintindihan na raw sila ni Kris.