Iginiit ni Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph “Jun” Abaya noong Lunes na ang pagtataas ng kagawaran ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) systems ay hindi isang “whimsical” decision.

Sa kanyang pagharap sa Senate Public Service sub-committee, na pinamumunuan ni Senator Grace Poe-Llamanzares, siniguro ni Abaya na ang desisyon ng DoTC na magpatupad ng taas-pasahe ay makatuwiran kahit pa kinuwestiyon ng mga senador ang timing ng fare hike na ipinatupad noong Enero 4.

“We didn’t do it whimsically,” pahayag ni Abaya bilang tugon sa tanong ni Sen. Francis Escudero tungkol sa biglaang pagpapahayag ng fare hike sa MRT at LRT Disyembre noong nakaraang taon.

“I’ve been planning this for some two years. I really feel it’s the right thing to do,” lahad niya sa komite. “What we did is far from whimsical. We didn’t do it before because gasoline prices are high. We are sensitive to the plights of the people.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Idiniin din ni Abaya na may awtoridad ang DoTC na magtakda ng halaga para sa MRT at LRT, alinsunod sa Executive Order 125-A.

Una nang ipinagtanggol ng gobyerno ang nasabing taas-pasahe at sinabing gagamitin ito upang mabawasan ang may P2-bilyon na subsidiya ng gobyerno at idedeposito ito sa isang escrow account upang ipambayad sa buwanang bayarin sa mga pribadong may-ari, sa halip na gamitin sa pagsasaayos sa riles.

Sinabi naman ni Abaya na ang kikitain sa taas-pasahe ay gagamitin sa pagpapabuti sa mga serbisyo ng MRT at LRT, at sa implementasyon ng Users-Pay Principle upang mabawasan ang paggamit ng resources para sa mga prioridad na proyekto sa Visayas at Mindanao.