Dahil inabot ng siyam na taon bago maisampa ng Office of the Ombudsman ang kaso, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Cavite Governor Erineo Maliksi kaugnay sa maanomalyang pagbili ng medisina na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.

“Notwitstanding the painstaking effort of the prosecution to narrate in detail the progress of this case when it was then with the OMB, the cited sequence of events does not convince the Court that there was no inordinate delay that occurred with the nine years that the case was pending with the OMB,” nakasaad sa resolusyon na isinulat ni Second Division Chairman Teresita Diaz-Baldos at sinang-ayunan nina Associate Justice Napoleon Inoturan at Maria Cristina Cornejo.

Hiniling ni Maliksi na ibasura ang kaso dahil inabot ng siyam na taon bago maresolba ito matapos isampa sa Ombudsman noong Agosto 12, 2005. Naresolba lamang ang kaso laban kay Maliksi noong Agosto 27, 2014.

Kinasuhan ang dating gobernador ng katiwalian matapos paboran nito umano ang Allied Medical Laboratories Corporation sa pagbili ng medical supplies na nagkakahalaga ng P2.5 milyon na walang kaukulang bidding.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang mga gamot ay dapat sanang ipamamahagi sa mga dumalo sa 2002 Barangay Health Workers National Convention.

Sa desisyon ng Sandiganbayan, iginiit ng anti-graft court na ang lahat ay may karapatan sa mabilis na pagresolba ng kanilang kinahaharap na kaso, ito man ay sibil, administratibo o kriminal.