Tiniyak ni Education Secretary, Br. Armin A. Luistro na ipagkakaloob ng gobyerno ang edukasyon sa mga naulilang anak ng 44 na kasapi ng PNP-Special Action Forces.

“We, along with other government agencies, will help take care of those left behind. While recovery from this loss will take time, we will ensure that the needs of widows, children, and families of the deceased are met,” pahayag ni Luistro.

Aniya, bibigyan ng scholarship ang mga naulilang anak ng mga tinaguriang Mamasapano heroes upang masiguro na makatapos sila ng kolehiyo.

Sinabi pa ni Luistro na gawing magandang halimbawa ng mga guro sa pagtuturo ang kabayanihan ng mga namatay na PNP-SAF bilang mahalagang leksyon para makamtan ang kaayusan at kapayapaan, hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

“Instill values of heroism, bravery, tolerance, and compassion among Filipino students in paving the path to peace,” wika ni Luistro. “We look to our educators to serve as proper beacons of light, faithful to the search for truth, justice, and peace.”

Magkakaloob din ng scholarship ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa kapamilya, lalo na sa kapatid ng mga namatay na PNP-SAF member.