Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Catanduanes at iba pang lugar sa Bicol region kamakalawa ng gabi.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 11:13 ng gabi nang maramdaman ang ang epicenter ng lindol sa layong 91 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Virac.

Kabilang sa niyanig ng lindol ang mga lugar ng Gigmoto, Catanduanes (Intensity 5); Virac, Catanduanes (Intensity 4); at Panganiban, Catanduanes; Sorsogon City; Legazpi City; Irosin at Prieto Diaz, sa Sorsogon, Intensity 3.

Naga City, Masbate City at Quezon City, Intensity 2 at Intensity 1 naman sa Manila.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ayon naman kay researcher Dante Soneja ng Phivolcs, naramdaman ang pagyanig, na tectonic ang origin at may lalim na tatlong kilometro, sa bahagi ng karagatan.

Naiulat din na naapektuhan din ng lindol ang Legazpi City kung saan tumagal ng 20 segundo.