TAYABAS CITY, Quezon- Isang pinaniniwalaang bangag sa droga ang tumangay ng tatlo katao bilang hostage gamit ang isang bolo sa siyudad na ito kahapon.

Kinilala ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, director ng Quezon Provincial Police Office, ang suspek na si Israel Pabellar Llamas, 35, isang obrero, at residente ng Barangay Opias.

Dahil sa hindi mabatid na dahilan, kumuha si Llamas ng isang bolo at lumusob sa bahay ng isang Rocky Navnes sa Filemon St., Barangay San Isidro Zone-1, bago tinangay na hostage ang tatlong biktima – sina Rosalie De San Juan Navnes, 25; Ralph Ian Navnes, 15; at Macy Garcia, 21 – dakong 8:00 ng umaga.

Sa pakikipagnegosasyon ng mga pulis upang sumuko ang suspek at palayain ang mga biktima, hiniling ni Llamas na makausap ang kanyang kapatid na Cristina.

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Matapos ang isang oras ng pakikipagnegosasyon ng awtoridad, sumuko na rin si Llamas at ligtas na pinalaya ang mga biktima.

Madalas umanong ireklamo ng mga kapitbahay si Llamas dahil malimit itong lango sa droga at alak.