Sa kulungan bumagsak ang isang 49-anyos na babae matapos itong maghuramentado at mamaril ng mga istambay sa Pio del Pilar, Makati kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Makati City Police, tinamaan ng bala si Rowell Roque, 30, sa puwit nang paputukan ng suspek na si Lilibeth Pedroso gamit ang isang 9mm pistol mula sa bahay ng huli sa Santuico St., Barangay Pio del Pilar,dakong 12:27 ng madaling araw.

Sa hindi mabatid na kadahilanan, lumabas si Pedroso mula sa kanyang bahay na may daladalang baril at bigla na lamang pinaputukan ang mga istambay.

Matapos mamaril, bumalik sa bahay si Pedroso at nagkulong ng sarili sa kanyang silid.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Nabatid ng pulisya na ang may-ari ng lisensiyadong baril na ipinutok ni Pedroso ay kanyang asawa na kasalukuyang nasa ibang bansa. Agad na naaresto si Lilibeth ng mga rumespondeng pulis.