Andrea Torres

MASAYANG-MALUNGKOT si Andrea Torres sa pagwawakas ng kanyang afternoon prime na telefantasyang Ang Lihim ni Annasandra (ALNA) ngayong Biyernes, February 6.  Almost five months din silang nag-taping ng soap kaya naging close sila ng mga kasama niya sa cast like Mikael Daez (gumaganap bilang William), Pancho Magno (Enrico) at Rochelle Pangilinan (Esmeralda).

“Mami-miss ko sila dahil nag-bonding kami nang husto sa taping sa Rodriguez, Montalban at Tanay in Rizal,” sabi ni Andrea sa last taping day nila sa Rodriguez.  “Siguro nakatulong pa sa amin na laging magkakasama dahil walang signal sa location namin.  Kaya nakikita namin ang bawat eksena naming ginagawa at nagkakatulungan kami.  Si Rochelle, sila ni Tita Maribel (Maria Isabel Lopez) ang laging umaalalay sa akin sa mga eksena, lalo na kapag pinahihirapan ako at sa transformation ko into an awok (baboy-damo).  Si Mikael, tagapagpatawa namin kapag medyo early morning na ang taping, si Pancho, akala mo seryoso, pero komedyante rin.

“Kaya sana huwag i-miss ng televiewers ang finale namin sa Friday.  Kung nakitang naging awok ng lahat ng tao sa party, part ng paghihiganti kay Annasandra ni Lorraine (Cris Villonco), alamin ninyo kung ano ang gagawin ni William sa natuklasan niya, magagalit ba siya kay Annasandra, kung mawawala ba ang pagkaawok ni Annasandra. Unexpected po kasi ang ending ng love story nina Annasandra at William na ginawa ni Direk Albert Laguitan.  Ano rin ang magiging part nina Esmeralda at Enrico sa pagtatapos ng story?”

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Nakapagsingit si Andrea habang nagti-taping ng ALNA na makapag-pose for FHM men’s magazine, after ilang beses siyang tumanggi.  Nagpasalamat siya na nagustuhan naman ng fans at mga suki ng magazine ang sexy pictorial niya, kabilang na ang kanyang daddy at only brother na nag-alaala si Andrea na baka magalit sa kanya dahil hindi muna siya nagpaalam bago ginawa ang pictorial.

Since December issue iyon at busy na ang lahat for the holidays, first week of January, 2015, nagkaroon siya ng autograph signing at nakapagbenta pa sila ng maraming copies.

Ngayong tapos na ang ALNA, may susunod na bang bagong project si Andrea since katatapos pa lamang niyang mag-renew ng contract sa GMA Network?

“Sabi ng manager ko, mayroon na raw inihahandang new project sa akin, pero siguro, gusto ko rin munang mag-relax.  Every Sunday naman, nasa Sunday All Stars ako at babalik na ako sa Bubble Gang.  Nag-leave kasi muna ako, kami ni Mikael, sa aming gag show nang magsimula kaming mag-taping ng ALNA dahil malayo lagi ang location namin at mahirap din ang role na ginampanan ko.  Na-extend pa kami ng two weeks of showing. Pareho kaming babalik sa show ni Mikael.”

Napapanood ang Ang Lihim ni Annasandra na nagtatampok din kina Glydel Mercado, Emilio Garcia at Arthur Solinap pagkatapos ng Yagit.