Lalarga ang ikaanim na edisyon ng KABAKA Inter-School Sportsfest sa Pebrero 6 sa ganap na alas-8:00 ng umaga sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

“This year’s theme is “Palaro para sa Kabataan, Tanim para sa Kalikasan,” pahayag ni KABAKA Foundation Inc. Sports Director Ronnie Canlas sa lingguhang Philippine Sportswriter’s Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate.

“We don’t charge tournament fees and all our participants will have free uniforms. All participants are only required to donate at least 1 fruit bearing tree seedling to be donated to the Green Dream Foundation,” sinabi ni Canlas.

Ipinaliwanag naman ni KABAKA Chairman Emeritus Cong. Amado S. Bagatsing na habang pinapalakas ng batang mga atleta ang kanilang katawan sa pamamagitan ng physical sports, dapat din nilang malaman ang pag-aalaga sa ating kapaligiran at ekolohiya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mahigit sa 30 eskuwelahan sa elementary at high school ang sasabak na kinabibilangan ng Nazarene Parochial, Chiang Kai Shek, St. Francis, PNU, Regina Apostolorum, Holy Family, St. Anthony, Celedonio Salvador, Lukban, Epifanio Delos Santos ES, Aurora Quezon, Silahis ng Katarungan, F. Ma. Guerrero, R. Palma, Margarita Roxas, Jesus Is Lord, Jesus Reigns, Baseco, St. Pius, PCU, La Concordia, C. Aquino, Manila Science, Manila, High, Manuel Roxas, Araullo, Villamor, Malate Catholic School at Republic Institute.

Ang taunang sportsfest ay tatampukan ng basketball, volleyball, chess at ang Field Demonstration Dance Competition.