GERONA, Tarlac - Apat na Korean na sinasabing kinidnap ng mga hindi kilalang armado ang napaulat na pinakawalan din sa Barangay Amacalan sa Gerona, Tarlac, noong Lunes ng gabi.

Ang mga dinukot ay sina Cho Hyun Seok, 35; Kand Dae Jin, 33; Kim Thin Sung, 33; at Kim Kyung Ju, 45, na pansamantalang naninirahan sa Jose Abad Santos Street sa San Juan City.

Namataan ang mga dayuhan nina Mario Timason, chairman ng Bgy. Amacalan, at mga tanod nito, na kaagad nakipag-ugnayan sa Gerona Police.

Napag-alaman na kinidnap ng limang armado ang apat na Korean sa San Juan City habang nakasakay sa puting Toyota Innova ni Cho Hyun Seok, at dinala sa Gerona sa Tarlac, pero sa hindi nabatid na dahilan ay pinakawalan din sila.
National

'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara