ZAMBOANGA CITY - Dalawang tao ang nalibing nang buhay nang tabunan sila ng makapal na lupa pasado 10:00 ng umaga nitong Lunes, sa bayan ng Roxas sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ni Police Regional Office Spokesman Dahlan Samuddin ang mga nasawi na sina Rudy P. Tagad, 53, may asawa; at Nelly Joy A. Del Pilar, 9, kapwa taga-Barangay Panampalay, Roxas, Zamboanga del Norte.

Hindi naman malinaw sa mga ulat kung ang landslide ay bunsod ng malakas na ulan sa lugar o sadyang malambot na ang lupa kaya gumuho ito.

Ayon sa report, nagtungo ang mga tauhan ng Roxas-Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at mga operatiba ng Roxas Police sa Bgy. Panampalay para magsagawa ng search, rescue at retrieval operation sa mga biktima.

National

Gabriela Rep. Arlene Brosas, tatakbong senador sa 2025

Sinabi ni Samuddin na natagpuan na ang labi ni Tagad pero nawawala pa rin ang bangkay ni Del Pilar.