ISULAN, Sultan Kudarat – Isang sinasabing matagal nang pinaghahanap ng batas ang napatay matapos manlaban sa pinagsanib na puwersa ng awtoridad mula sa Tampakan Police sa South Cotabato, Lutayan Police at Sultan Kudarat Police Provincial Office sa bahagi ng Sitio Tanansang, Barangay Palavilla, Lutayan, Sultan Kudarat kamakailan.

Ayon kay Senior Insp. Sherwin Maglana, Hepe ng Tampakan Police, isisilbi sana ng pulisya ang mga warrant of arrest laban kay Johnny Gulae, miyembro ng isang armadong grupo ng gerilya na sangkot sa mga pagpatay, pero pumalag umano ang suspek.

Nakuha mula kay Gulae ang isang .38 caliber revolver.

Samantala, kinukumpirma pa ng pamunuan ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army kung totoong si Gulae ay leader ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Tampakan.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya