Huhulihin ang lahat ng truck na walang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at kakasuhan ng colorum violation.

Ito ang babala ni LTFRB, spokesperson Atty. Anna Salada makaraang ideklara ang expiration date ng Provisionary Permits (PA) noong Enero 31, 2015.

“ Wala na pong extension sa PA ng truck kaya anytime pwede na silang hulihin ng mga enforcers,” saad ni Salada.

Sa panayam kay LTFRB, Board Member Atty. Ariel Inton, sinabi nito na hindi na palalawigin ang Provisional Permits sa mga truck dahil tapos na extension nito noon pang katapusan ng Enero 2015.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We believed the board have already been released all the franchises pending before the LTFRB,” pahayag ni Inton.

Sinabi ng Board na ang ibinasurang PA application ay posibleng kulang ang isinumiteng requirements ng operator nito.

Nanindigan ang Board na hindi sila dapat sisihin ng trucks owners at operators dahil lahat ng pagkakataon ay ibinigay nila para magkaroon ng prangkisa ang mga ito mula sa ahensiya.

Batay sa talaan ng LTFRB, nasa 28,000 trucks ang bumabiyahe sa Metro Manila at sa karatig na mga lalawigan.

Sa ilalim ng order ng Joint Administrative Order 2014-0, ang mga truck na mapatutunayang kolorum ay magmumulta ng P200,000 habang sa pampasaherong bus ay P1 milyon.