Paul & Toni

SA The Buzz last Sunday ay inamin publicly ng magkasintahang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano na engaged na sila. Nag-propose si Direk Paul kay Toni noong January 21. Tiniyak din ng dalawa na magaganap ang pagpapakasal nila sa taong ito.

Kung natanggap agad ni Mommy Pinty ay iniyakan naman ng ama ni Toni ang marriage proposal ni Direk Paul Soriano. Pero wala na rin namang magagagawa ang mga magulang ng dalawa dahil nasa legal age na sila para lumagay sa tahimik. 

Thirty one years old na si Toni at ideal age na rin para mag-asawa at hindi biro na rin naman ang pitong taong paghihintay ni Direk Paul sa kanya.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

 “It’s been seven and a half years and you know she’s been a great part of my life, the best blessing I’ve ever received and you know I want to spend the rest of my life with her. Now we’re engaged, and I’m super happy,” banggit ni Direk Paul. 

Aniya, kailangan pa nilang pag-usapan ni Toni ang buong detalye ng kasalan nila. Ikinuwento rin niya ang naganap na marriage proposal. 

“It was right after her birthday like literally 12:30 am. On January 21, we had just come from a birthday dinner and I had the ring in my pocket the whole dinner. I wanted to wait for the right private moment. It happened in her home, just very simple,” sey pa ni Direk. 

Ayon pa kay Direk ay nakapangtulog na si Toni at siyempre, nagulat ang aktres at TV host.