Hindi umepekto ang pag-iyak at paghingi ng tawad ng isang binata at ipinakulong pa rin siya ng mga magulang ng dalagita na kanyang hinalay sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

Tila maamong tupa na nagmamakaawa sa loob ng presinto ang suspek na si Adrian Alan, 24, residente ng Del Mundo Street ng nasabing lungsod, na kinasuhan ng rape in relation to R.A. 7610.

Kuwento ng biktima na itinago sa pangalang “Ruby,” 14, dakong 8:00 ng umaga, tinawag siya ni Alan para mag-almusal sa bahay nito. At dahil matagal nang kakilala ang kapitbahay ay nagpaunlak ang biktima ngunit imbes na mag-almusal ay ginahasa siya ng suspek.
National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya