Nagpatupad ng price rollback sa diesel ang Shell kahapon ng madaling araw.

Epektibo dakong 12:01 ng madaling araw nagtapyas ang nasabing kumpanya ng 30 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel habang walang paggalaw sa halaga ng gasolina at kerosene nito.

Asahan ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa bansa sa bawas-presyo sa diesel kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

‘Oratio Imperata for Peace,’ inilabas na ng CBCP