Kung nais mong manatili sa iyong trabaho sa ibang bansa, subukan mong itago sa iyong amo ang iyong social media accounts.

Isa ito sa mga ipinayo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa mga bago nitong panuntunan sa paggamit ng social media, tulad ng Facebook at Twitter.

Nakasaad sa bagong panuntunan na dapat na magkahiwalay ang work at personal contacts upang ang ipino-post ng mga OFW ay hindi makaaapekto sa kanilang trabaho.

“Add only your trusted and closest friends as friends,” ayon sa POEA guidelines.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa six-point reminder, kailangang ikonsidera ng mga OFW na baguhin ang privacy settings ng kanilang accounts sa “friends only” upang hindi maisapubliko ang kanilang mga ipino-post.

Hinimok din ng ahensiya ang mga OFW na umiwas na maglabas ng mga sentimyento na may kinalaman sa trabaho sa kanilang mga social media account.

“Use available company grievance machinery and other government mechanisms to report violation of rights and contractual breaches,” sabi ng POEA.

Nagbabala rin ang POEA sa mga OFW laban sa nakagawiang “taboo” sa kani-kanilang social media account: kritisismo tungkol sa kultura, tradisyon, at paniniwala sa relihiyon ng kanilang host country; uploading ng mga bastos o malalaswang litrato; at pakikipag-debate tungkol sa pulitika o relihiyon.

Inilabas ni POEA Administrator Hans Cacdac ang mga nasabing panuntunan sa kanyang opisyal na Twitter account matapos masisante kamakailan ang isang Pilipinong nurse sa Singapore matapos niyang i-post sa Facebook ang kanyang anti-Singaporean sentiments.