STA. TERESITA, Batangas – Aabot sa mahigit P700,000 ang umano’y tinangay ng mga hindi nakilalang suspek mula sa isang rural bank sa Sta. Teresita, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 7:40 ng umaga kahapon nang i-report sa pulisya ang pagnanakaw sa loob ng Mt. Carmel Rural Bank sa Barangay Bihis.

Sa inisyal na imbestigasyon, dumaan umano sa kanal ang mga suspek para mapasok ang bangko.
National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak