ZAMBOANGA CITY – Pinaulanan ng bala ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang isang military truck sa Patikul, Sulu noong Biyernes kung saan limang sundalo ang sugatan.

Sinabi ni Joint Task Force Zamboanga-information officer Navy Ensign Ian Ramos na tatlong sundalo ang nasugatan sa halos 30-minutong pakikipagbakbakan sa grupo ng mga bandido sa Patikul.

Ayon pa ulat, patungo ang convoy ng 35th Infantry Battalion sa Jolo nang tambangan ng mga bandido sa Sitio Panding sa Bungkaong, Patikul, Sulu dakong 1:30 ng hapon.

Galing ang mga sundalo sa isang military detachment sa Tubig Patong sa Barangay Danang, Patikul nang biglang paulanan ng bala ng mga Abu Sayyaf.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dalawa sa tatlong sugatang sundalo ang nahulog sa truck bunsod ng tinamong tama ng bala sa katawan.