Max Collins

PAREHONG single sina Max Collins at Geoff Eigenmann, ang bida sa Kailan Ba Tama Ang Mali? na bagong afternoon prime serye ng GMA-7 sa direksiyon ni Gil Tejada. Kaya sa presscon, natanong ang magandang actress kung may possibility bang may mamagitan sa kanila ni Geoff.

“Hindi po naman imposible,” nakangiting sagot ni Max. “Hindi po natin alam kung ano ang mangyayari, hindi naman sarado ang puso ko.  Si Geoff po naman, kilala ko na matagal na dahil magkasama kami sa PPL Entertainment, mabait, mahusay na actor, guwapo, kaya there’s no reason kung bakit hindi ako p’wedeng ma-in love sa kanya. Pero sa ngayon, friends lang kami, hindi rin natin masabi.”

May attraction ba sila sa isa’t isa?

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

“Siguro po, saka para na rin magampanan namin nang maayos ang roles na ibinigay sa amin.  Nakita natin sa trailer na we are so much in love with each other, naging mag-asawa pa kami.  Kung attracted po ako sa kanya, attracted ako talaga, parang wala namang reason para hindi ako ma-attract sa kanya.”

Open book ang break-up nina Geoff at Carla Abellana, sa taping nila, nakikita na ba niyang naka-move on na si Geoff?

“Kung ano po ang nararamdaman niya ngayon, hindi ko alam, pero mukha namang naka-move on na siya, malaki na ang pagbabago niya kaysa noong nakita ko siya after the break-up.  Masaya na siyang nakikipagkuwentuhan sa amin sa set kapag breaktime, mukhang masaya na siya ngayon.”

First time gaganap sa role na may asawa si Max, mas mature ito kaysa huli niyang afternoon soap na Innamorata, magkakaroon siya ng love scenes at kissing scenes hindi lamang kay Geoff kundi maging kay Dion Ignacio rin.  Ready na ba siya?

“Comfortable po naman akong kasama si Geoff dahil iisa nga ang management company namin.  At si Dion, matagal ko ring nakasama sa Innamorata, happy nga kami pareho dahil muli kaming pinagsama rito.”

Para kay Max, kailan ba tama ang mali?

“Kapag in love ang isang tao, ang alam niya, tama ang maling ginagawa niya, para raw kasi sa puso mo, alam mong tama, kahit alam mo rin na mali.”

Mapapanood na simula sa Lunes, February 9, ang Kailan Ba Tama Ang Mali? sa GMA 7 pagkatapos ng Yagit na nagtatampok din kina Empress Schuck, Ryza Cenon, Chariz Solomon, Ervic Vijandre, Shamaine Buencamino, Ash Ortega, Ken Alfonso.