Dapat na ibalik ang tiwala ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng pamahalaaan sa isa’t isa bago ipagpatuloy ang pagbabalangkas sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Senator Ferdinand Marcos Jr., kailangan muna ang “confidence building” sa magkabilang panig para maipagpatuloy ang BBL.

Nilinaw ni Marcos na pansamanatala lamang ang ginawa niyang pagsuspinde sa pagdinig nito dahil nga sa nangyaring pamamasalang ng may 44 na miyembro ng Philippine National Police–Special Action Force (PNP-SAF) sa Maguindanao.

Aniya, hindi magkakaroon ng katuparan ang usapang pangkapayapaan kung hindi mababalangkas at maaprubahan ang BBL.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Idinagdag ni Marcos na ang pagdinig sa Miyerkules ang simula ng para mabalangkas ang maraming katanungan. Mayroon na aniya silang impormal na usapan ng MILF na susuportahan ng mga ito ang kanyang mga hakbang para maging matagumpay ang pagpasa ng BBL.

Iginiit naman ni Senator Miriam Defensor-Santiago na pwedeng sampahan ang kumander ng SAF batay na rin sa International Criminal Court (ICC).

“Thee legality of the non-international armed conflict in Mamasapono. Maguindanao fall under three main international rules in international law, Common Article 3 to the 1949 Geneva Convention on the Protection of victims of International Armed Conflicts, the Geneva Conventions Additional Protocol 2 and the Rome Stature of the International Criminal Court” paliwanag ni Santiago.