Patay ang magkapatid na lalaki, habang nasa kritikal ngayon ang isang 5-anyos na babae, matapos mabundol ng pampasaherong jeep sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center sina Jose Marifosque, 50, at kapatid nitong si Rey, 48, sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Nakaratay din sa nasabing ospital si Chriscelle Athena, residente ng BMBA 1st Avenue. Caloocan City, na nagtamo ng sugat sa katawan.

Kasong reckless imprudence resulting in double homicide at frustrated homicide ang driver na si Juanito Passion, 50, ng 928-B Galauran Street, 7th Avenue ng nasabing lungsod.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Sa ulat ni SPO2 Fernan Romero, bandang 1:00 kamakalawa ng hapon, minamaneho ng suspek ang kanyang jeepney (TXF-467) sa Rizal Avenue, Caloocan City at pagsapit sa harap ng isang motel sa 2nd Avenue ay bigla itong nawalan ng preno.

Kinabig pakanan ni Passion ang manibela pero dahil sa tulin ng takbo, sumadsad ito sa bangketa bago nabuntol ang mga biktima na noo’y nakatayo sa gilid ng kalsada.

Tumilapon ang bata at magkapatid naman ay pumailalim sa sasakyan na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.