BUMAGTAS sa bahagi ng Iba, Zambales ang pulutong ng mga siklista sa Stage 2 ng 2015 Le Tour de Filipinas kahapon.                                             Bob Dungo Jr.

IBA, Zambales- Muli, isa na namang dayuhan sa katauhan ng Kiwi na si Scott Ambrose ng Team Novo Nordisk ang namayani sa Stage 2 ng 2015 Le Tour de Filipinas, na inihahatid ng Air21, na nagsimula sa Balanga, Bataan at nagtapos sa harap ng kapitolyo ng lalawigan dito kahapon.

Banderang tapos ang ginawa ng 20-anyos na si Ambrose magmula sa onset ng karera makaraang kumalas sa apat pang mga siklista.

Tinapos ni Ambrose, nasa ikalawang taon pa lamang sa kanyang sa UCI race, ang 154 kilometrong karera kung saan ay may tiyempo itong 3:48:52 oras.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Inungusan niya ang Pinoy rider at PhilCycling National Team skipper na si Ronald Oranza na dumikit lamang sa naunang apat na riders, kasama ang dalawa pang Pinoy na sina Seven Eleven Roadbike Philippines skipper at assistant team captain Baler Ravina at Marcelo Felipe pagdating sa unang KOM papasok sa Subic.

Kasama nilang binigyan ng identical clocking ang third placer na si Yon Hon Ronald Yeung ng Attaque Gusto Team ng Taiwan.

Bagamat may dalawang KOM ang karera, napanatili naman ng mga nangungunang siklista sa overall team classification ng karerang ito na suportado rin ng MVP Sports Foundation at Smart ang kanilang standings.

Okupado pa rin ni Stage 1 winner Eric Sheppard ng Attaque Gusto Team, reigning champion Mark John Lexer Galedo ng Seven Eleven at Thomas Lebas ng Bridgestone Anchor ng Japan ang 1-2-3 finish.

“It was very tough, the weather was very hot,” pahayag ni Ambrose na nagpasalamat din sa tulong na ibinigay sa kanya ng mga kakampi upang makamit ang kanyang unang panalo na ginagabayan din ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon kasama ang Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX bilang road partners.

Tanging ang peloton na umentra sa Subic Bay Metropolitan Authority pabalik sa Balanga ang nagkaroon ng signipikanteng breakaways.

Ipinorma nina Terengganu Cycling Team’s (Malaysia) Mohd Saiful Anuar Aziz at Kulimbetov Nurbolat (Kazkahstan) ang two-man breakaway sa halos 15 kilometrong layo subalit nilunok lamang ng peloton sa Subic.

Kumaripas naman ang seven-rider group mula sa main pack matapos ang 90 kilometro ngunit napag-iwanan din sa huling 25 kms sa unahan nina Sheppard, Galedo at anim na iba pa na sadyang humarurot sa huling 5-km mark nang ang karera ay kinapalooban ng labanan ng sprinters.

Maliban kay Pishgaman Giant Team’s Hossein Askari (ikalima, 3:16 pagka-iwan) at Tabriz Petrochemical Team’s Mehdi Sohrabi (ikaanim, 3:16), nawala din sa top 10 ang powerhouse Iranians, ang 2013 titlist Ghader Mizbani ng Tabriz at 2011 champion Rahim Emami at Asia’s No. 1 Mirsamad Poorseyediholakhour.

Napasama sa top 10 sona Rastra Patria (Pegasus Continental Cycling Team, ikapito, 3:19.29), Angel Del Julian (7-Eleven Road Bike Philippines, ikawalo, 3:19.29), Theodore Yates (Navitas Satalyst Cycling Team, ikasiyam, 3:19.29) at Chanjae Jang (Attaque Team Gusto, ikasampu, 3:19.29).