Hilary Duff

BEVERLY HILLS, California (AP) -- Nagpatulong na ang isang Beverly Hills shop owner sa mga artista sa paghahanap ng kanyang aso, na napanood sa surveillance video na ninakaw ng isang buntis. 

Isa si Hilary Duff, kaibigan ng Switch boutique owner na si Julia Cohen, sa mga tumutulong sa paghahanap gamit ang social media at hinimok ang kanyang mga follower sa Twitter na hanapin ang Maltese.

Sinabi ni Duff sa kanyang Twitter account na: “Please help us find Charlie.”

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Ibinahagi ng KABC-TV (http://bit.ly/1BzdEwj) ang nasabing video na makikitang isang babae na may kasamang bata ang sumusunod sa aso malapit sa boutique, panandaliang naglaho sa video at dinampot si Charlie at umalis. Ayon sa mga saksi, buntis ang babae.

Nagpahayag din ng panawagan ang komedyanteng si George Lopez at mang-aawit na si Lance Bass tungkol sa nawawalang aso. 

Naglaan ng $2,000 bilang gantimpala para sa makapagbabalik kay Charlie nang ligtas.