Sharon Cuneta

PINABULAANAN ni Sharon Cuneta sa kanyang Facebook na ang karakter ng kontrobersiyal na pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles ang kanyang gagampanan sa kanyang pagbabalik-pelikula. 

Idinenay din ng megastar na  ang anak na si KC Concepcion ang gaganap bilang Jean Napoles.

Post ni Sharon sa kanyang FB, “Why is there rumor going around that my comeback movie will be based on the Janet Lim Napoles story and with KC playing the role of her daughter?

'Kokoy Villamin' na pirmado rin sa mga transaksyon ng OVP, walang records sa PSA?

“No one has spoken to me about this, and so it’s totally untrue,” pahayag ni Sharon. 

Pero tiniyak ni Sharon na malapit na nga siyang bumalik sa industry at katunayan ay may pinag-uusapan na tungkol sa kanyang comeback project.

“I already have a comeback project waiting and with a company that has my full trust and respect,”  sey niya.  

Ayaw pa niyang mag-elaborate tungkol sa konkretong plano, na ia-announce naman daw niya in due time.

“I am going to drop clues every now and then as to the things I will be working on which will start sooner than you think,” dagdag pa niya.

Freelancer ngayon ang estado ng megastar pagkatapos ayusin ang natitira pa niyang kontrata sa TV5 noong siya’y nag-ober da bakod from ABS-CBN noong 2012.