Claudine Barretto

PAREHONG nawawala sa sirkulasyon ngayon sina Sharon Cuneta at Claudine Barreto pero sa magkahiwalay na post ay binanggit nila ang kanilang nakatakdang pagbabalik showbiz.

Sa Instagram post ng huli ay binanggit niyang may gagawin na raw siyang pelikula. Lahad ng ex-wife ni Raymart Santiago, abangan na lang daw natin ang showbiz comeback niya at nakapag-story conference na raw sila ng magiging direktor niya sa comeback movie niya na si Direk Paolo Villaluna. 

Walang binanggit si Claudine sa kanyang IG post kung sino ang makakasama niya sa indie movie na magsisilbing comeback movie niya at pati na rin kung ano ang title, at kung kailan sisimulan ang shooting.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Ang megastar naman bagamat nawawala na rin sa sirkulasyon pagkatapos ng TV show niya sa TV5 ay hindi pa rin naman nawawalan ng balita dahil aktibo na uli siya sa social media. 

Pagkatapos, iwanan ang Twitter ay aktibo naman ngayon si Ate Shawie sa kanyang Facebook account. (May kaugnay na balita sa pahina 8-9. --Editor)

Dagdag pa ng megastar, meron nang fabulous TV network na pagtatrabahuhan niya after working with TV5. 

“I hope this answers some of your questions! :-) God bless you and have a wonderful day! Lots of love to you all,” banggit pa niya. 

Well, sana nga ay magtuluy-tuloy na ang pagbabalik showbiz nina Claudine at Sharon.