Pormal nang nagretiro kahapon sa serbisyo sina Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr., at Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph matapos na makumpleto ang kanilang pitong taong termino.

Kaugnay nito, apat na lamang ang matitirang commissioner ng poll body na mangunguna sa preparasyon para sa 2016 national polls hanggang hindi pa nakapagtatalaga ng mga bagong opisyal ng ahensiya si Pangulong Aquino.

Bilang pinaka-senior sa lahat ng maiiwang commissioner, itinalaga si Comelec Commissioner Christian Robert Lim bilang officer-in-charge (OIC) habang wala pang bagong chairman ang poll body ang itinatalaga ang Malacañang.

Magsisimula si Lim na gampanan ang naturang tungkulin ngayong Martes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Brillantes na kahit apat lamang ang matitirang opisyal ng poll body ay hindi naman maaapektuhan ang mga trabaho nito, partikular na ang paghahanda para sa susunod na halalan.

Posible naman aniyang wala pang maitalagang kapalit niya ang Pangulo hanggang sa mag-recess ang Kongreso sa Marso.

Bukod kay Lim, ang iba pang maiiwang commissioner ng poll body ay sina Commissioners Al Parreño, Arthur Lim at Luie Guia.