HUMAKOT ng parangal ang ABS-CBN Network sa unang Gawad Kamalayan Awards ng Mapúa Institute of Technology nitong Huwebes (Enero 29) sa Mapúa campus sa Intramuros, Manila.

Nagwagi ng 11 tropeo ang Kapamilya Network kabilang ang pinakamataas na pagkilala na Best TV Station para sa ABS-CBN.

 

Itinanghal ang TV Patrol bilang Best News Program, Rated K bilang Best Magazine Show, Umagang Kayganda bilang Best Feature and Lifestyle Show, ASAP bilang Best Variety Program, Maalaala Mo Kaya bilang Best Drama Program, at ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation bilang Best Corporate Social Responsibility (CSR) Project.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

 

Pinarangalan din ng mga Mapúan ang Kapamilya news anchor at host kabilang sina Ted Failon bilang Best News Program Anchor, Korina Sanchez bilang Best Magazine Show Host, Anthony Taberna bilang Best Feature and Lifestyle Show Host, at Robi Domingo bilang Best Tourism Host para sa Sunday’s Best: Lakwatsero Hokkaido.

 

Ang Gawad Kamalayan Awards ay ang unang TV awards program na inilunsad ng School of Languages, Humanities, and Social Sciences ng Mapúa kasabay ng selebrasyon ng 90th Founding Anniversary ng unibersidad. Ang mga nagwagi ay binoto ng mahigit 13,000 estudyante, propesor at kawani ng Mapúa.