PANIQUI, Tarlac – Labing-apat na katao ang isinugod sa Rayos Valentin Hospital matapos silang malason sa kinain nilang palabok na binili umano sa Carinderia Musni sa pamilihang bayan ng Paniqui, Tarlac, noong Linggo ng hapon.

Ang report na ito ay ipinaalam ng nasabing ospital sa Paniqui Police kaugnay ng sinasabing food poisoning na sinapit nina Peejay Eliares, 34; Archilles Lance Eliares, 2, ng Villa Socorro, Barangay Poblacion Norte; Diana Kate, 8; Darren Veloria, siyam na buwan, ng Bgy. Ventinilla, Paniqui; Luisa Mae Ambeguia, 4, ng Bgy. Cabayaoasan, Paniqui; Reskian Sembrano, 7, ng Bgy. Samput, Paniqui; Luis Lawrence Cuenco, 8, ng Luna Street; Kathleen Millo, 25, ng Magallanes Street, kapwa ng Bgy. Poblacion Sur, Paniqui; Jayciel Omojura, 25; Jan Rei Vitto, 6; at Jandee Vitto, 7, pawang ng Bgy. Poblacion Norte, Paniqui; Alejandria Duay, 73; Henson Teofilo, 46; at Ma. Christina Villanueva, 28, ng Bgy. Plastado, Gerona, Tarlac.

Sinusuri pa ng ospital ang sample ng palabok na kinain ng mga biktima para makumpirma kung ito ang sanhi ng pagkalason.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente