KAHIT patuloy na itinanggi ng mga taong involved sa programa ay may nakarating na balita sa amin na mawawala na sa ere ang Walang Tulugan With The Master Showman.

Ayon sa nakarating na balita sa amin ay pinabigyan lang daw ng ilang buwan ang programa at pagkatapos ay tatanggalin na rin.

Ito ang kaagad naming itinanong kay Jake Vargas nang makausap namin siya sa presscon ng pelikulang Liwanag Sa Dilim nila ni Bea Binena (Valentine offering ng APT Entertainment) dahil isa siya sa co-hosts ng show.

“Hindi naman po tsutsigihin. Diretso pa rin kami, kasi sabi ni Kuya Germs kahit wala siya, si Kuya John Nite na muna ang magtutuloy. Kaya walang problema,” sagot ng bagets sa amin.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Pero hindi itinanggi ni Jake na nag-utos ang management na kailangang magbawas sila ng mga kasama sa show. Marami na raw ang pinagpahinga at hindi na pinagre-report sa programa.

“Kokonti na lang po kami, eh. Siguro mga 40 na lang. Marami na ring natanggal. Nakakaawa ‘yung mga natanggal, pero wala naman din akong magagawa, eh. Gusto nilang sumikat, kaya nga sila pumasok sa Walang Tulugan,” malungkot na banggit ni Jake.

Kuwento pa ni Jake, sa kagustuhan niyang mapagbigyan ang mga tinulungan nilang nangangarap mapabilang sa mundo ng showbiz ay hinayaan niyang gumalaw ang mga ito sa programa.

“Ako ‘pag nando’n ako sa Walang Tulugan,hinayaan ko lang sila para makilala rin naman sila. Ako kahit papaano, eh, matagal na rin naman sa programa, kaya nagkaroon na rin ng exposure kahit papaano. Kumbaga, may mga nakakilala na rin naman sa akin,” sey pa ng boyfriend ni Bea Binene.

Kahit wala si Kuya Germs na nagpapagaling mula sa mild stroke at balitang tutulak papuntang America, the show must go on.

“Sa showbiz naman po ganu’n talaga. The show must go on kahit na ano’ng mangyari. Malungkot kasi hindi namin siya nakakasama, pero ipinagpi-pray naman namin na gumaling siya kaagad,” seryosong sambit pa ng young actor.