Magkakaloob ng tulong-pinansiyal ang Kamara sa mga pamilya ng mga napatay na kasapi ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Naghain sina Speaker Feliciano Belmonte Jr., Majority Leader Neptali Gonzales II, Minority Leader Ronaldo B. Zamora at Committee on Accounts Chairman Eleandro Jesus F. Madrona, ng House Resolution No. 1865 para sa pagkakaloob ng nasabing tulong sa mga pamilyang naulila ng mga napaslang na SAF member.

Batay sa resolusyon, bawat isa sa 129 na miyembro ng Kamara ay magkakaloob ng tig-P10,000 na kakaltasin sa buwanan nilang sahod.
National

Guo, nag-sorry kay SP Chiz: 'Wala po akong intensyong diktahan ang Senado'