INFANTA, Quezon - Arestado ang isang 28-anyos na lalaki matapos niyang tangayin bilang hostage ang anak ng kanyang kinakasama sa bayan na ito noong Sabado ng gabi.

Bagamat hindi pinangalanan ng pulisya, arestado ang lalaking suspek na pinaniniwalaang lango sa alak nang mangyari ang hostage drama.

Ayon sa pulisya, nasa gitna ng mainitang pagtatalo ang ina ng sanggol at ang suspek nang biglang dakmain ng huli ang biktima at binantaang papatayin ito.

“Kung hindi ka babalik sa bahay, papatayin ko ang anak mo. Maghanda ka na ng kabaong niya,” sinabi ng mga saksi ay isinisigaw ng suspek.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Agad na humingi ng tulong ang ina ng sanggol at mga kapitbahay sa mga opisyal ng barangay at pulisya na siyang nakipagnegosasyon sa suspek upang palayain ang umiiyak na sanggol.

Matapos ang ilang oras na pakikipagnegosasyon sa awtoridad ay sumuko rin ang suspek.